Philippine Transparency Seal
Home Program and Projects Calendar of Activities Attached Agencies FAQ Archives About/Contact Us News  
Ano Ba Ang Dapat Nating Malaman Bilang Empleyado at Employer?
Thu, Jun 12, 2014 (Source: DOLE Zambo. Sibugay)
Alam mo ba ang iyong karapatan bilang manggagawang Pilipino? Alam mo rin ba ang mga programa ng NCMB,ECC at DOLE program and services? Ito ang mga naging paksa na naganap na Continuing Labor Education Seminar noong Mayo 23, 2014 ala una ng hapon sa Sibugay Hotel Ipil, Zamboanga Sibugay Province. Ito ay tungkol sa mga karapatan at benipisyong matatanggap ng mga mangagawang Pilipino sa oras ng kagipitan o mga pangyayaring di inaasahan habang nagtatrabaho. May tatlumpo’t tatlong manggagawa at mga nasa panig ng management na nanggaling pa sa iba’t ibang Technical Vocational Schools at unibersidad ang mga lumahok.

Si Ginoong Reynaldo S. Foncardas, Director II ng National Conciliation and Mediation Board ang naging unang panauhing tagapagsalita kung saan tinalakay niya ang mekanismo ng pag resolba ng mga problema sa pagitan ng empleyado at ng employer. Binanggit din niya ang mga karapatan ng mga empleyado sa pagsali sa mga pagpupulong at pagbigay ng opinyon na makakabuti sa productivity ng isang kompanya. Binigyan din niya ng diin ang mga responsibiladad bilang isang empleyado.

Si Bb.Cerna I. Ahmad,Information Officer II ng Employees Compensation Comission ng Region 9, ang ikalawang naging panauhing tagapagsalita.Ang kanyang naging paksa ay ang programa ng ECC o Employees’ Compensation Commission kung saan nabanggit ang mga benipisyong matatanggap ng mga empleyado na may sakit, o naaksidente na may kaugnayan sa kanilang trabaho. Natalakay din niya ang proseso at paano makuha ang benipisyong ito. Ang makatatanggap ng benipisyo ng programang ito ay mga manggagawang myembro ng SSS,GSIS at para sa ating mga Overseas Filipino Workers.

Si Ginoong Elamsalih E. Ungad, Sr. LEO/OIC ng DOLE Zamboanga Sibugay Field Office ay ang huling panauhing tagapagsalita tinalakay niya ang mga karapatan bilang isang empleyado na malaman ang regulasyon at palisiya sa loob ng opisina o lugar ng trabaho. Binahagi rin nya ang responsibiladad ng isang employer sa kanyang mga empleyado.

Matapos maibahagi at mapaliwanag ng mga panauhing tagapagsalita ang programa ng NCMB,ECC at DOLE Program and Services. Nagkaroon ng open forum kung saan may isang mangagawa na nagtanong tungkol sa programa ng ECC. “Obligasyon ba ng employer na ma-rehistro ang kanyang empleyado at masali sa programa ng ECC?” at sinagot ito ni Bb.Cerna I. Ahmad at sinabi niya na obligasyon ng employer na irehistro sa SSS at masali sa ECC program dahil isa ito sa karapatan ng isang empleyado. Natapos ang seminar ng matagumpay at naliwanagan ang mga manggagawa tungkol sa kanilang mga benipisyo at karapatan bilang isang manggagawang Pilipino.

Shariffa Nur-Aizzah Ijin H. Mohammad - GIP

Free Search Engine Submission
More News
DOLE - IX
DOLE - Provincial
DOLE - Manila
Archive News

Home | Program & Projects | Calendar of Activities | Attached Agencies | FAQ | Archives | About/Contact Us
© 2009, Department of Labor and Employment. All Rights Reserved.
Developed by E.M.A.Jr.
Queries, Comments email us at: @ or dole9record@yahoo.com
www. | DOLE Main Office